Roxas Blvd., Maynila – Lubos ang kasiyahan ni Mayor Ferdie V. Estrella ng kaniyang personal na tanggapin ang sertipikasyon na magpapatunay na kwalipikado na ang Bayan ng Baliwag na umangat sa pagiging isang component city o lungsod.
Ayon sa batas, ang isang bayan o pinagsama-samang mga barangay ay maaaring maging isang lungsod kung ito ay papasa sa hindi bababa sa dalawang kwalipikasyon – 1. Land area 2. Average annual income for two consecutive years not lower than 100 million pesos based on 2000 prices; at 3. May kabuuang populasyon na hindi bababa sa 150,000 tao.
Sa kasalukuyan, ayon sa sertipikasyon galing sa Philippine Statistics Authority ang Bayan ng Baliwag ay may humigit kumulang 157,000 tao. Bagama’t mababa ang paglago ng populasyon ay nakasampa pa ito sa kwalipikasyon ayon sa Philippine Statistics Authority.
Kita ng Bayan
Ayon sa batas, ang isa namang bayan na naghahangad na maging isang lungsod ay dapat mayroon itong hindi bababa sa 100 milyon na kita mula sa lokal sources gamit ang presyo noong taong 2000 bilang deflator rate.
Kanina ay sinadya na nga ni Mayor Ferdie Estrella kasama sina Municipal Administrator Enrique Tagle at Municipal Treasurer Marty Javier ang Department of Finance upang hilingin na ipalabas na ang resulta ng hiling na sertipikasyon at labis ngang ikinagulat ng tatlo nang sorpresahin sila ng mismong BLGF Executive Director Nińo Alvina at iabot ang sertipikasyon na nagsasaad na kwalipikado na ang Baliwag sa mungkahi nitong kalunsuran.
Wow I hope every mayor here in our province has the same mindset and advocacies like Mayor Ferdie Estrella has. Proud neighbor here from Pulilan! Keep on striving for the betterment of your beloved constituents. Advance congratulations for the City of Baliwag!
PS: Governor Ferdie? Why not!
Ipapararating po namin kay Mayor. Salamat po sa inyo, Pulilan Power! Mula sa mga dugong Baliwag, Pusong Baliwag
Congratulations,
My Beloved City of Baliwag!
Keep up the Good work, Mayor Ferdie!
Saludo ako sa Galing nyo.
Brace ourselves to more investments to come, tourism on the rise, and more public service for our people.
#progresspamore
#yestobaliwagcity
Congratulations,
My Beloved City of Baliwag!
Keep up the Good work, Mayor Ferdie!
Saludo ako sa Galing nyo.
Brace ourselves to more investments to come, tourism on the rise, and more public service for our people.
#progresspamore
#yestobaliwagcity