Baliwag News Service

Sacred Relic ni St. Augustine, dumalaw sa Baliwag

Nitong June 6, 2018 ganap na 5 ng hapon ay dumating sa Parokya ni San Agustin ang Bone Relic ng Patron ng Baliwag. Sinalubong ito ng ating Kura Paroko, Msgr. Andres S. Valera kasama ang Parochial Vicar, Fr. Franz Dizon, Fr. Ed Abaño at mga paring mula sa ating Bayan na si Fr. Garry Toribio at Fr. Danielito Santos.

Ang relikyang ito ay galing pa mula sa Roma Italya at iniikot ito mga piling  Simbahang Agustino sa buong Pilipinas. Kinabukasan June 7 sa ganap na 3pm ay dadalin sa Minore Basilica ng San Sebastian sa Quiapo Manila.

Sa buong probinsya ng Bulacan, mapalad ang ating bayan dahil tayo lamang nag nabigyan ng pagkakataon na madalaw ng relikyang ito. Kaya nga, ang mga deboto ni San Agustin ay dinagsa at nag alay ng panalangin.
Mga larawan kuha ni Bro. Chinggoy Futol

Advertisements