Baliwag News Service

DEPED: Balik Eskwela na sa Hunyo 4 ang mga Paaralang Publiko

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Araw ng Lunes, Hunyo 4 ay Balik-Eskwela na nga ang mga mag-aaaral sa pampublikong paaralan sa buong bansa kabilang na ang Baliwag. Tinatayang higit sa dalawan-libong bata mula sa kinder hanggang sa grade 12 ang muling sasabak sa klase.

Ayon kina Dr. Arceli Ralleta at Dr. Irene Elizalde, higit na maswerte ang mga kabataan sa Bayan ng Baliwag dahil may sapat na bilang ng klasrum at malakas ang mga school governing councils sa lahat ng mga paaralan.

Ngunit sinabi ng dalawa ay may mga kapitan na mas matimbang talaga sa kanila ang edukasyon. Tulad na lamang ni Tarcan Brgy. Captain Ariel Cabingao na hinahatid at sundo ang mga kabataan mula sa bahay hanggang paaralan upang masiguro na sila ay nag-aaral at walang dahilan para sila ay tumigil o lumiban. Ganoon din nga sa Barangay Catulinan. Ang dalawang paaralang barangay na nabanggit ang dalawa sa may pinakamataas na National Achievement Test Average score sa buong lalawigan.

Participation Rate, Cohort Survival Rate

Ang mga sukatan ng tagumpay ng isang paaralan at barangay ay kung gaano kataas ang participation rate nito o ang porsiyento ng mga kabataang nag-aaral. Natural, 100 porisyento dapat iyan dahil walang bata ang dapat hindi nagaaral sa bayan ng Baliwag.

Ang participation rate ng Baliwag ay nasa pagitan ng 75 to 80 porsiyento. Kaya’t tinututukan ni Mayor Ferdie ang masigurong nasa eskwelahan ang mga bata. Pinatitibay din ni Mayor Ferdie ang programa sa Sports at arts sa paniwalang hindi lang academics ang uri ng intelligence. Target din ni Mayor Ferdie na magkaroon ng isang high school sa bawat tatlong barangay. Iyan ang dahilan kung bakit kanyang isinusulong na maisakatapuran ang Sta. Barbara HighSchool, Matangtubig Highschool at San Roque SHS. Sa isang taon ay maaring buksan na ang Virgen Delas Flores Senior Highschool at Sta Barbara HS.

Make Computer Labs Work

Isinulong naman ni Mayor Ferdie ang pagpapaganda at pagsasaayos ng mga computer labs upang magawa itong Smart Computer Laboratories. Sisimulan na nga ang pagsasaayos ng mga smart labs sa North Central at South Central at kung ito ay magiging tagumpay ay gagayahin na sa malalaking barangay.

According to Municipal Administrator Enrique Tagle, “The Mayor is actually worried that, students might graduate without the opportunity of even using or touching the computers. We must give them the laboratory they need to be inspired to learn. That will be our goal this academic year.”

Lokalisasyon ng Kurikulum

Ngayon taon din ay inaaasahan ang pagsisimula ng pagtuturo ng lokal na kasayasayan, sining at pamana ng Bayan. Ito ang magsisilbing pilot ss buong lalawigan. Matatandaan na nagisyu ng isang pangkalahatang kautusan si Mayor Ferdie Estrella na nagbubuo ng isang Technical Working Group na magbabalangkas at magbubuo ng programang iyon. Magpapamahagi ng reperensiya ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag para dito. Nabuo ang reperensiyang iyon matapos na magsaliksik at kalapin ng mga guro sa kasaysayan mula sa iba’t-ibang paaralan. Si Dr. Emiterio Tiburcio ang namuno dito.

SINAGTALA

Batay nga sa huling pulong ng Lokal na Konseho ng mga Pangasiwaan ng mga Paaralan, sa susunod na taon ay magkakaroon ng mga paggawad sa natatanging guro, administrador, school governing councils, innovation project, natatanging proyektong pinatupad ng deped, outstanding school organization at moderator.

Advertisements