Baliwag News Service

June 12 at June 15, Regular Holidays sa Bansa; Programa para dito Ikinakasa ng Baliwag

Araw ng Kalayaan at Pagtatapos ng Ramadan

Photo is owned by Mark Villanueva for Project Saysay, Launch at the Department of Foreign Affairs Manila

Baliwag, Bulacan – Sa Hunyo 12 ay ipagdiriwang ng ating bansa ang kanyang ika-120 taong guning anibersayo ng kalayaan. Itinakda naman ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang sabayang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng barangay at sangguniang kabataan. Ang programa ay gagawin sa Baliwag Star Arena sa ganap na alas-8:30 ng umaga.

Samantala, sa Hunyo 15 naman ay ang Eidul Fitri o ang Pagtatapos ng Ramadan para sa mga kapatid nating Muslim. Nakatakda naman pirmahan ni Mayor Ferdie Estrella ang Executive Order o isang pangkalahatang kautusan na nagbubuo ng Muslim Affairs Unit sa ilalim ng Community Affairs Office.

Advertisements