Baliwag News Service

First Termer Barangay Captains sumailalim sa isang Orientasyon ukol sa mga Programa ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag.

Advertisements

Seryosong Pamahalaan para sa tuloy-tuloy na serbisyong may malasakit.

Baliwag, Bulacan – Sumailalim sa isang oryetasyon ang labing-tatlong bagong halal na kapitan  ng barangay nang sa gayon ay mabigyan sila ng pahapyaw sa mga gampanin nila bilang lider ng barangay.

Dahil sa dami, lawak at lalim ng kanilang mga dapat gawin ay ipinagpasiya na ang maaga itong isagawa nang sa gayon ay madali din silang maka aksyon lalo na sa mga gampanin nila sa brigada eskwela, early childhood care program at ang pagbubukas ng material recovery facility o Barangay Kalikasan Center. Inoobliga na nga ng DENR at DILG ang lahat ng mga barangay na ipatupad ang segregation policy ayon sa Republic Act 9003.

Ang Nutrition, Health, MSWDO, Disaster, sectoral groups, Public Order and Public Safety, Finance, Business Friendliness at administratibo ay inaasahan din na talakayin hango sa mga obligasyon din ng bayan sa seal of good local governance.

First Term ulit!

Si Kap. Ben Santiago ng Sulivan at Kap. Edilberto Victoria ng Barangca ay mga dati ng nanilbihang barangay captain. Hindi na muling tumakbo si Kapitan Ben samantalang natalo naman si Kap. Edilberto noong 2013.

Nakatakdang isagawa ang programa sa Boardroom ng Tanggapan ng Punongbayan sa Lunes, Hunyo 4, 2018 mula sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.

Mass Oath-taking!

Nakatakda naman magkaroon ng isang mass oath-taking ang lahat ng mga bagong halal na opisyal ng Barangay at SK sa Hunyo 11, araw ng Lunes. Gaganapin ito sa Baliwag Star Arena.

Advertisements