Baliwag News Service

Aksidente sa bagong bypass, 4 ang patay

Sampu (10) ang sugatan at apat (4) ang naging patay sa aksidenteng naganap kanina lang madaling araw sa kahabaan ng bagong gawang San Roque – Bypass Road  sa San Rafael, Bulacan. Bandang 3:20 ng  madaling araw, nakatanggap ang ating Public Assistance and Complaint Center (PACC) ng tawag mula sa San Rafael PNP tungkol sa isang aksidente na naganap sa bypass San Rafael. Isang L300 FB Van na pauwi ng Cavite mula sa dinaluhang reunion sa Nueva Ecija ang sumalpok sa isang nasiraang 10 wheeler truck na nakahinto. Sa labing-apat (14) na sakay ng FB van ay 4 ang nasawi kabilang ang pinakabatang sakay nito na nasa edad 2 taong gulang. Habang ang driver nito ay kabilang naman sa sugatan. Dinatnan ang mga biktima na nakahandusay sa kalsada habang may naipit namang dalawa (2). Nagtulong-tulong sa ginawang responde ang iba’t ibang bayan kabilang ang ating Baliwag MDRRMO Rescue FVE, San Rafael Rescue, Rescue 505 mula sa Bayan ng Bustos, Guiguinto Rescue, Bulacan Rescue at MDRRMO San Ildefonso. Malimit ang nagiging aksidente sa bagong gawang bypass road kaya’t ang lahat ay pinagiingat sa pagmamaneho lalo’t may kadiliman ang daan sa kahabaan nito.      
Advertisements