Baliwag News Service

Sa Araw ng Watawat: Mayor Ferdie pangungunahan ang Pagpupugay sa Watawat

Brgy. Hinukay, Drug Cleared na. LET Passers, Ipapakilala sa Flag Ceremony.

Baliwag, Bulacan – Pangungunahan ni Mayor Ferdie V. Estrella ang nakatakdang Parangal sa Watawat sa Mayo 28, 2018. Ang petsang ito ang itinakdang Flag Day buhat sa ipinalabas na Pangkalahatang Kautusan Blg. 374 at Pangkalahatang Kautusan Blg. 79 na inisyu noong Marso 23, 1994 na hinahabaan ang panahon na mabigyan ng pagpapahalaga ang pangunahing simbolo ng ating bansa.

Republic Act No. 8491

Ang Flag o Heraldic Code of the Philippines ay batas na nagtatakda ng mga pambansang simbolismo at tamang paggamit nito.

Ayon sa Section 14 nito, ang mga bandilang retirado o napunit dahil sa pagkaluma o paggamit ay dapat maayos na sunugin nang hindi ito magamit ng mali o mabastos. Ito ay dapat palitan agad kung nasira.

Batay sa Memorandum Order ni Mayor Ferdie, ang lahat ng mga establisyimento, paaralan, institusyon at mga gusali ng pamahalaan ay dapat ipakita at magdisplay ng bandila mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.


Licensure Exams for Teachers

Samantala, kikilalanin namang muli ang mga kapapasa lamang na Baliwagenyo sa Licensure Examination for Teachers. Ito ay regular na gawain sa ilalim ng programang Baliwagenyo Achievers at pinapamanihalaan ng Community Affairs Office.


Barangay Hinukay, Drug Cleared na!

Ikalawang barangay na ng Baliwag ang Drug Cleared base sa isinigawang ebalwasyon sa drug dependency ng mga narepormang lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Kikilalanin ni Mayor Ferdie Estrella ang Brgy. Hinukay sa pangunguna ni Kapitan Reynaldo “Waka” dela Cruz.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.