You do not have sufficient freedom levels to view this video. Support free software and upgrade.
Maraming Salamat
sa lahat ng nakiisa sa mga pagdiriwang ng ika-285 taong anibersaryo ng Baliwag.
Ngayon taon
ay inaaasahang matatanggap natin sa kauna-unahang pagkakataon, ang sertipikasyon mula sa Department of Finance na ang Bayan ng Baliwag ay Kwalipikado na maging isang lungsod. Ang pagiging lungsod ay isang estado ng bagong pagsasarili kung kaya’t inihanda natin ang isang kawanihan na may mataas na pamantayan nang sa gayon, ay mahihigitan nito ang anumang kompetisyon at hamon ng pagiging isang lungsod.
Patuloy-tuloy
tayong magsisikap na maihatid sa bawat isang Baliwagenyo ang serbisyong may malasakit na naka-ugat sa pagiging #magiliw, #maagap #mahusay #maaasahan at pagkilala sa lakas ng bayan lalo’t #magkakatuwang.
Ang buong isang lingo
na pagdiriwang ay mula sa pinagsama-samang lakas ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, pribadong sektor, indibidwal, civil society organizations at iba pang ahensiya ng gobyerno. Maraming salamat po sa inyo.
Ang pagkakaisa
ang mananatiling susi sa tagumpay ng ating bayan patungo sa kalunsuran at hinaharap. Tunay nga, sa kanyang ika-285 taon, ang Baliwag ay tila sombalilong buntal na nilala ng buong tiyaga, husay at galing nang sa gayon ay buong pagmamalaki itong isuot ng gagamit.
285 taon na nga ang Baliwag
at patuloy itong nagniningning at nagliliwanag dahil sa mga Baliwagenyo na kahit saan man dalhin ng kanyang mga pangarap ay hindi nakakalimot na lingunin, balikan, pasalamatan ang bayan pinagmulan ng sombalilong tinaguriang the finest hat in the orient.
Advertisements Baliwag, Bulacan – Hindi tumalab ang mga paninira at pagmamaliit sa mga parangal na nakamit ng Baliwag mula sa kanyang mga katunggali sa ipinakitang pagsuporta at pagbibigay ng mahigit sa 62% mandato sa katatapos lamang na halalan. Nagtala ng mahigit sa 49,652 na boto si Mayor Ferdie laban sa botong 28,762 na nakamit ni […]
Advertisements Matapos ang mahabang paghihintay, nagkaisa na si Mayor Ferdie Estrella at Congressman Apol Pancho sa pamamagitan ng isang pagpupulong, upang talakayin ang pagsusulong ng Yes! to Baliwag City! sa Kongreso. Naganap ang nasabing pagpupulong sa tahanan ni Cong. Apol noong Biyernes, Enero 31, 2020. Dumalo din sa pulong ang kapatid ng kongresista at kaniyang […]
Advertisements Another accomplishment was bestowed to the municipality of Baliwag as their municipality’s Ten-Year Solid Waste Management Plan has been approved by the National Solid Waste Management Commission (NSWMC). The awarding was held on September 25, 2018 at Torre Venezia Suites, Santiago, Quezon City alongside with other municipalities. The resolution for approval of the said […]