Baliwag News Service

Ika-limang Pagtatapos ng Baliwag Bahay Pagbabago Reformation Center

Advertisements

Ang Baliwag Bahay Pagbabago Reformation Center ay isa sa mga itinatag na program ni Mayor Ferdie V. Estrella para sa mga biktima ng ipinagbabawal na gamot. Noong Mayo 10, 2018, ganap na ika-10 ng umaga, idinaos ang 5th Batch Graduation ng BBPRC.

“Ang lahat ng tao ay maaaring magbago” iyan ang mga binitawang salita ni Mayor Ferdie sa ika- 5 pagtatapos ng mga reformees na sumailalim sa tatlong buwang programa, kung saan sila ay binigyan ng iba’t ibang uri ng serbisyo: Una, Serbisyong Medical upang masuri ng ating Municipal Health Officers ang kalagayan ng kanilang kalusugan. Pangalawa, Serbisyong Pang ispiritwal na kung saan ay binubusog sila ng mga salita ng Diyos upang maging gabay nila sa tunay na pagbabago. Pangatlo, Serbisyong Panlipunan na nagbibigay sa mga reformeesay nagdadaan sa counselling kasama na ang kanilang pamilya upang ihanda sila sa kanilang paglabas. Pang apat, Skills and Livelihood Training na ang mga reformees ay tinuturuan ng iba’t ibang kaalaman katulad ng pag gawa ng organic fertilizers, organic mushroom farming, Eco Farming. Isa din sa tinuturo ng Center ay ang Massage Therapy Training at Solar light training sa tulong ng TESDA at PESO.

Nag sumite na ng aplikasyon para sa akreditasyon ang BBPRC sa DSWD Region III upang lalong maging maayos ang pagbibigay ng serbisyo ng Institusyon bilang sentro ng pagbabago sa Bayan ng Baliwag.

Advertisements