Baliwag News Service

Unang Hirit makakasama ng mga Baliwagenyo sa Pagbubukas ng Baliwag Buntal Festival 2018

Advertisements

Selebrasyon para sa ika-285-taon ng Baliwag simula na bukas, Mayo 21.

Baliwag, Bulacan – Nakatakdang pormal na buksan ang Baliwag Buntal Festival 2018 sa araw ng Lunes, Mayo 21 sa ganap na ika-5 ng umaga kasama ang Unang Hirit ng GMA7.

Tampok sa pagbubukas ay ang pasulyap sa Lighted Float Parade at siyempre, ipapakita ang paglala ng Buntal. Ang buntal hat ay ang sinasabing pangunahing produkto noon ng Baliwag. Hindi dahil sa ito lamang ang kanilang kayang gawin kung hindi nakilala ang Baliwag dito dahil sa mahusay at pulidong pagkakagawa ng mga Baliwagenyong maglalala. Sinasabing ito ay tinaguriang World’s Finest Hat.

Ngayon nga ay ating pinararangalan ang industriya ng buntal na simbolo ng galing at husay ng mga Baliwagenyo. Ito ang salamin ng kahusayan ng mga Baliwagenyo sa pagnenegosyo o saan mang industriya mapaling.

Ang Baliwag Buntal Festival ay nasa ika-13 taon na mula ng pasimulan ito ni Mayor Romy Estrella habang ang Tagapmanihala ng Baliwag Tourism Council noon ay si Gng. Sonia Estrella.

Ang Baliwag Tourism Council ngayon ay nasa pamamanihala ni Gng. Jonnah Nubla-Estrella. Ang lundo ng mga pagdiriwang ay ang ika-285 taong anibersaryo ng Bayan ng Baliwag mula ng itatag ito at nagsariling bayan. May temang Baliwag Nagliliwanag ay angkop at napapanahon dahil sa liwanag ng bisyon nito bilang ika-apat ng lungsod ng Bulacan. Ang Baliwag ay sentro sa gawing ito ng Bulakan.

Advertisements