Baliwag News Service

Notoryus umanong snatcher, timbog sa kamay ng awtoridad

Kahapon lamang (Mayo 17, 2018) araw ng huwebes ay muling nambiktima ang hinihinalang snatcher sa Brgy. Bagong Nayon alas-tres (3:00) ng hapon sakay ng yamaha na motorsiklo na walang plaka (pink na mio). Isang hand bag ang sapilitang hinablot nito sa babaeng biktima. Nasa kulang 100,000 ang nilalaman nitong pera at mamahaling gamit na may kasamang iba’t ibang atm at credit cards. Agad humingi ng tulong sa ating Baliwag Police Station ang biktima. Isang follow-up operation ang agad na isinagawa sa pamumuno ni P/Sinp Jerico Redon. Bandang 7:45 ng gabi ng parehong araw ay naaresto ang nasabing suspek.

“Dahil sa maagap na pagtugon at kagustuhang masugpo ang kriminalidad sa bayan ng Baliwag, timbog sa kamay ng awtoridad ang gumagalang snatcher na nakilalang si Jaycee Lopez Y Dayao, may tattoo sa kanyang kanang braso. Ang naturang snatcher ay dati ng nadakip noong 2015 sa isang entrapment operation dahil din sa kasong robbery, kakalaya lamang nitong Marso ng kasalukuyang taon at muling nambibiktima” – aniya.

Kaya’t panawagan sa ating mamamayan, kung sino man ang iba pang nabiktima ay makipagugnayan lamang sa Baliwag Police Station upang makapaghain ng pormal na kaso laban sa suspek.

Advertisements