Baliwag News Service

Votebuying sa BSKE2018 Laganap. May Pag-asa pa kaya ang Pinas?

Baliwag, Bulacan – “Kung maglilingkod ka na at bibilhin mo pa ang boto nila, hindi na lang,” sagot ng isang dating kapitan na muling nakalaban ngayon mula sa isang barangay sa kabayanan. Matapos nga siyang tanungin ng isang opisyal ng Pamahalaang Bayan. Kung tutuusin, bakit nga ba kailangan maging magastos ang Barangay Elections. Sa katunayan, ayon sa itinakda ng batas ay dapat gumastos lamang sila ng limang piso sa bawat botante. Ang nakakalungkot ay mukhang kabaligtaran ito sa tunay na nangyari. Kung totoo man ang mga balita na may mga bilihan na umabot sa isang libong piso. Kung ganyan ang nagiging sistema ay pamahal ng pamahal ang eleksyon maging sa pinakapayak na uri ng gobyerno natin, ang mga barangay. Kung mananatili ang ganyang sistema ay patuloy na mapapaling ang posisyon sa mga may pera o kaya ay yung mga may financial backers na patuloy na mangungutangan ng loob sa kanila. Hindi ito maganda para sa implementasyon ng mga polisiya na ukol sa pamamahala at iba pang polisiyang dapat na ipatupad lalo na sa climate change, agriculture at economic policies. Ang mga bali-balita ng bilihan ay talagang nakakagimbal. Mabuti na lang at nabawasan ang matinding pananakot na ating naranasan noong 2016. Paano na ang mga mahihirap ngunit may intelectual na kapasidad pero walang pagkakataon na makatakbo dahil sa sistemang ganito. Hindi ito makakaenganya ng mga talento at kakayahan sa pamumuno. Wala na nga din tayo pinagkaiba sa sistemang oligarkiya na kung saan ang mg namumuno at nagkokontrol ng kapangyarihan ay siyang mapepera lamang.

Bakit dapat suportahan si Pangulong Duterte sa kanyang kampanya laban sa droga?

Katulad ng nangyari sa mga bansa sa Latin Amerika, nakontrol ng mga drug cartels ang gobyerno sa pamamagitane ng drug money. Narcopolitics nga ang tawag dito na kung saan ay pera mula sa mga drug traders ang ginagamit na pansuporta sa mga tumatakbong kandidato.
We should be vigilant and watchful who among those elected could be possible cover up for drugs or who benefiteds from this trade. We must learn our lessons.
Hindi na dapat hayaan na mangyari sa atin ang nangyari sa Pagadian City na kung saan ang mga namumuno ay siyang nagtutulak ng droga sa kanilang lugar.
We must continue to hold on to our common shared values as one community and as one Baliwag. This is where the church, business leaders, academe and professionals must cometogether as one in putting up measures that will prevent this to happen. Baliwag is a great place with a great heritage of learned people and a rich history of winning struggles. We must love Baliwag through and through, that is why it is true, #dugongbaliwagpusongbaliwag tayo dapat. Wala kasing magmamahal sa ating bayan kung hindi tayo din.

Edukasyon Bilang Sagot sa Mababang Uri ng Pulitika

Hindi nga natin mababago ang ganitong sistema kung hahayaan natin na ang mga mahihirap ay patuloy na mahirap. Kapit sa patalim pa rin ang ending kapag ang isang tao ay gutom na gutom. Ayon sa Bulacan Provincial Planning and Development Office, Baliwag ang isa sa may mga pinakamagandang socio-economic Profile sa buong lalawigan. Pangkaraniwan na nga sa isang Pamilyang Baliwagenyo na may isang propesyunal sa isang pamilya kaya mataas ang kapasidad ng pamilya na makaranas ng mabuting buhay. Kung nakapagaaral ang bata mula sa isang mahirap na pamilya ay malaki ang pagkakataon na mabago ang buhay ng pamilya. Ito talaga ang kasagutan upang maiwasan natin ang kultura sa pamimili ng boto.

Ngunit, dahil sa Baliwag ang sentro ng komersyo, hindi maiiwasan ang pagdami ng mga naghahangad dito manirahan kahit na walang pormal na tirahan. Kaya’t higit na dapat kalingain ang mga tulad nilang sumusubok na magpanibagong buhay sa ibang lugar. Mabigyan sila ng oportunidad na mabago upang mapauri sila sa hindi kailangan bilhin ang boto kung hindi sa hanay ng mga botanteng nag-iisip.

Maari kayong mag sulat ng inyong komentaryo, artikulo, opinyon sa pamamagitan ng kolum na May Masabi Lang. I-email ito sa baliwagcitynewsonline@gmail.com


Advertisements