Baliwag News Service

Pope Francis Itinalaga si Most Rev. Honesto Ongtioco bilang bagong Opispo ng Malolos

Advertisements

Apostolic Nunciature, Manila – Itinalaga ni Pope Francis na bagong Obispo ng Malolos si Diocese of Cubao Bishop, Most Reverend Honesto Ongtioco bilang bagong Obispo nito matapos ang pagpanaw ni Bishop Jose Oliveros, ST.D.

Si Bishop Ongtioco ay nagtapos sa San Jose Seminary ng Ateneo de Manila University kung kaya’t inaasahan na malakas ang impluwensiyang o karisma ng mga Heswita. Ipinanganak sa San Fernando, Pampanga, si Bishop Ongtioco ay unang naitalaga bilang Obispo ng Diyosesis ng Balanga (1998-2003) at matapos ay naging unang Obispo ng Cubao at Apostolic Administrator ng Diyosesis ng Malolos.

Ang Diyosesis ng Malolos ay sumasakop sa lahat ng simbahang katolika sa buong Lalawigan ng Bulacan at Valezuela City.

Advertisements