Baliwag News Service

13 Bagong Kapitan Inihalal, 14 Muling Inihalal

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Labintatlong mga bagong kapitan ang uupo simula sa Hunyo 30, 2018 sa ganap na ika-12:01 ng umaga. Ngunit, tatlo sa kanila ay mga naglingkod na at magbabalik sa kanilang bagong termino bilang kapitan. Si Brgy. Kap. Benjamin Santiago ng Sulivan at si Brgy. Kap. Edilberto “Edel” Victoria ng Barangca ay mga dati ng naglingkod na kapitan. Tinalo ni Kap. Ben ang kasalukuyang Brgy Kap. Hemer Ignacio. Hindi nga tumakbo si Kap Ben noong 2015 para sa kanyang huling termino. Samantala, si Kap. Edel ay tinalo naman ang kanyang katunggali na si Kap. Rosita Garcia. Tinalo naman si Kap. Edel ni Kap. Rosita noong 2015. Si Kap. Ilyong Buenaventura ay tinalo si Kap. Allan Bautista ng Subic. Hindi na nakakbo si Kap. Ilyong dahil sa limitasyong itinakda ng batas na tatlong sunod-sunod na termino. Tumakbo siya bilang Kagawad at nanguna sa halalan.

Ang ilan pa sa mga bagong halal na Kapitan ay ang mga sumusunod:

1. Bagong Nayon – Kap. Angelito Dantes (Kas. First Kagawad)

2. Concepcion – Kap. Rudy Palo (kas. first kagawad)

3. Pagala – Kap. Mark Velasquez (pribado)

4. Paitan – Kap. Eduardo Alonzo (kas. Ingat-Yaman)

5. Pinagbarilan – Kap. Danilo Bugay (dating pulis)

6. Poblacion – Kap. Hepe Alvaran (dating First Kagawad)

7. Sabang – Kap. Manny Katipunan (pribado)

8. Sto. Cristo – Kap. Manny Lopez (pribado)

9. Sulivan – Kap. Ben Santiago (dati ng naglingkod na kapitan)

10. Tangos – Kap. Rico dela Merced (First Kagawad)

11.Virgen delas Flores – Kap. Tagumpay Cruz (MDRRMO/Rescue FVE)

12. Subic – Kap. Ilyong Buenaventura (Kas. First Kagawad)

13. Barangca – Kap. Edel Victoria (pribado)

14 na Kapitan muling inihalal na Brgy. Kapitan

  1. Muli namang nahalal ang mga Kapitan ng Calantipay 1. (Cecil Tolentino); 2.Catulinan (Ogie Tolentino); 3 Hinukay (Reynaldo dela Cruz); 4. Makinabang (Cory Clemente) 5. Matangtubig (Isabelo Cabigao) 6. San Jose (Lupa Rivera) 7. Tiaong (RIcky Romulo) 8. San Roque (Joey Antonio) 9. Tarcan (Ariel Cabingao) 10. Tibag (Renan Alcantara) 11. Piel (Gerry. Tolentino 12. Sta. Barbara (Cesar Chico); 13. Tilapayong (Teofilo Almario) 14. Sto. Niño (Regie Ramos).

Samantala hindi naman humabol na muli si Brgy Captain Nani Fabian sa pagkapitan sa barangay Pagala.


Finished 3-Year Terms

1. Concepcion – Kap Jojo Castilo

2. Paitan – Kap. Ariston Mercado

3. Pinagbarilan – Kap. Anko Carillo

4. VDF – Kap. Virgilio Cruz

Advertisements