Baliwag News Service

Lahat ng Presinto sa Baliwag, Nagbukas ng walang Aberya

Baliwag, Bulacan – Nagbukas na nga ang lahat ng mga presinto sa Bayan ng Baliwag sa ganap na ika-7 ng umaga.

Simula 2:30nu ay gising na ang lahat ng mga poll workers kasama ang lahat ng mga electoral boards, PNP Baliwag, Comelec at Municipal Treasurer’s Office upang maipamahagi ang lahat ng mga kagamitan pang eleksyon.

Matindi naman ang inilatag na seguridad ng PNP sa paghahatid ng mga kagamitan dala ang mga Dugong Baliwag, Pusong Baliwag Vans.

Samantala, pinaalala ng COMELEC sa lahat ng mga kandidato na bawal na ngang magpamigay ng kahit anong uri ng polyetos sa araw ng halalan. Pinaiiral din ang liquor ban. Aarestuhin ang sino man na lalabag dito.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.