Baliwag News Service

Comelec Baliwag: Bayan ng Baliwag, Handa na sa BSKE2018

Pamahalaang Bayan ng Baliwag, Todo ang Suporta sa BSKE2018. Mayor Ferdie, Nagbilin sa PNP Baliwag na Paigtingin ang Kilos para sa Tahimik at Payapang Halalan.

Baliwag, Bulacan – Kaninang umaga ay nagpulong ang COMELEC, PNP at DEPED upang mapag usapan ang bawat kahandaan ng mga paaralan sa buong Bayan ng Baliwag na pagdadausan ng halalang pambarangay at SK Elections. Nanawagan naman si Mayor Ferdie Estrella sa PNP na paigtingin pa ang mga operasyon at pagkilos upang masiguro na magiging payapa at tahimik ang halalan ngayon.

Bagong Bulacan PNP Provincial Director

Binisita naman ng bagong talagang Bulacan PNP Provincial Director P/SSupt Chito Galvez Bersaluna ang Baliwag PNP at sinalubong naman siya ni Mayor Ferdie Estrella at P/Supt. Froilan Uy.

Nagbilin naman si Bulacan Provincial Director sa kapulisan ng Baliwag na gawin ang lahat upang maging matagumpay ang halalan ngayon 2018. Binati niya rin ang Baliwag PNP na siyang tinanghal bilang Best PNP Station – Regional Level at Provincial Level.

Advertisements