Baliwag News Service

Baliwag “Summer” Pinasaya

Ang pamahalaang bayan ng baliwag sa pakikipag tulungan ng Sports Development Office ay naging mainit ang pagbubukas ng summer sa mga programang naglalayon na mag bigay ng libreng pag sasanay para sa  mga kabataan baliwagenyo, upang sila ay maging aktibo at masigla  nito lamang April 07, 2018 inumpisahan ang makasaysayang programa na kung saan ay kauna unahang libreng pagtuturo ng pag lalangoy o swimming sa pakikipagtulungan ng  pamahalaang bayan ng baliwag at pribadong paaralan na Montessori de Sagrada Familia. Ito po ay sa ilalim ng pagtuturo ng ‘BERT LOZADA SWIMMING INSTRUCTORS”. At ito ay nilahokan ng mahigit kumulang 100 kabataan edad 7-15 na taga baliwag lamang. At nitong  april 15 naman ay muling sinimulan ang ikalawang season ng MFVE INTER-BRGY. VOLLEYBALL LEAGUE. Ito ay  may 2 dibisyon at  nilahukan  ng  13 teams para sa lalaki at 8 teams naman sa babae. at ilan pa sa mga programang inilunsad ng sports development ay ZUMBA tuwing alas 5:00 ng hapon araw ng lunes, miyerkules,at biyernes sa municipal ground. Ilan pa dito ay ang Basketball clinic na ginaganap sa baliwag star arena sa ilalim ng pagtuturo ng legendary player/coach dati ng bayang baliwag na si  coach isagani indon at one basketball clinic founder coach jeff patawaran. Ang Combat aikido nman at patuloy ang pagsasanay at pagtanggap pa ng mga batang nais matututo ng self defense at sa ilalaim ni master ramil torres na black belter with licensed military instructor. At sa dahil madaming bata nadin ang nahihilig sa pag lalaro ng table tennis ay naglunsad  nadin ang sdo ng free clinic for Table tennis at ito ay sa ilalaim ng palarong pambansa coach jango ramos ang ama ng palarong pambansa player na si  Ashley xyril ramos. Ang session ng combat aikido at table tennis ay isinasagawa sa lobby ng baliwag star arena. At meron ding Volleyball clinic na inaalay ang SDO para sa mahilig sa nasabing laro. Kaya sa mga kabataang baliwagenyo ay iniimbitahan namin na makiisa sa mga programang ibinibigay ng pamahalaang bayan ng LIBRE sa mga nasabing aktibidad.  muli ito po ay handog ng ating butihing Mayor Ferdinand V. Estrellab at hanggang sa kasalukuyan po ang aming tanggapan ay bukas para sa iba’t ibang summer clinic, magsadya lamang po sa aming opisina sa star arena upang magpatala. Maraming salamat po.

Sa ngalan ng  serbisyong may malasakit!

 

 

Advertisements