agriculture Baliwag News Service bulacan

Mga Proyekto at Programang Hatid ng Municipal Agriculture Office

Patuloy pa rin ang serbisyong may malasakit hatid ng Municipal Agriculture Office.

Ang mga sumusunod po ay ang mga katatapos lang na programa at proyekto para sa mga magsasaka ng Baliwag.

PalayCheck Seminar

Ang seminar po na ito ay tumatagal ng Labing-anim na sesyon(16 weeks) na kung saan itinuturo sa mga magsasaka  ang mga tamang proseso at sistema sa pag-aalaga ng mga tanim. Ang mga sumosunod ay ang mga topic na idiniscuss sa seminar:

  •  Integrated Pest Management

-itinuturo ang tamang paraan upang mapuksa ang mga peste

  • Beneficial Insect and Microorganism

– pag aaral ng mga kaibigang peste at microorganism

  • Water Management

– tamang pamamahala ng tubig

  • Soil preparation and management

– tamang pamamahala ng lupa

  • Types of Tillage

– tamang pag aararo or paghahanda ng lupa

Ang “Bayanihan Gulayan sa Baliwag” Seminar ay naglalayong ipalaganap ang urban gardening sa Baliwag. Sa kasalukuyan ay inihahanda na ang mga paligsahan para sa Bayanihan Gulayan na maghihikayat sa mga mamamayan ng Baliwag na magtanim sa kani-kanilang bakuran.

Profiling of Farmers

  • Sa kasalukuyan po ay meron na po tayong 1983 na naitalang magsasaka.

All-out naman po ang pagbabakuna ng Vet Division. Sa kasalukuyan po ay meron na tayong 3884  na bakunadong  aso’t pusa sa taon na ito . Kasabay po nito ang isinasagawang IEC – Proper Pet Ownership and Rabies Awereness. Ito’y hakbang ng ating Vet office upang mabigyan ng kaalaman ang mamamayan ukol sa tamang pag aalaga ng hayop. Nakapagsagawa na po tayo ng IEC sa buong Baliwag kasama na ang 6 na mababang paaralan. Meron naman po tayong naipamigay na 14,000 New Castle Disease(NCD Vaccines) sa buong Baliwag.

Samantala ito naman po ang mga On Going Activities

Nagsasagawa na po tayo ng Goat Production Seminar sa mga magsasaka. Sa kasalukuyan po ay meron tayong 25 na Participants. Layunin po ng pamahalaang bayan ng Baliwag na hikayatin ang mga mamamayan ng Baliwag  na mag alaga ng kambing.

Patuloy naman po ang pagkokolekta ng lupa(soil sample) para sa pag aanalisa. Ito’y upang malaman ang tama at akmang pataba na makapagbibigay ng pinakamataas na ani gamit ng parehong binhi.Gayundin naman sa RCM na kung saan malalaman ang tamang sukat ng pataba na pwedeng makapagbigay na higit na ani .

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.