Baliwag News Service

Baliwag Business Permits and Licensing Office Pasok sa Regional Evaluation ng Central Luzon Growth Corridor Foundation Inc.

Baliwag, Bulacan – Muling ipinamalas ng Baliwag Business Permits and Licensing Office ang kakayahang makipag sabayan sa mga pinakamahuhusay na tanggapan sa pagkuha ng lisensiya matapos ianunsiyo sa pamamagitan ng email ng Central Luzon Growth Corridor Foundation Inc. na ang Bayan ng Baliwag ay napabilang sa mga bayan at lungsod sa Bulacan na tutunguhin ng CLGFI upang makita ang mga sistema at pamamaraan na tutukoy na nahigitan nito ang mga pamantayan na inilatag ng grupo kasama ang Department of Trade and Industry at Department of Interior and Local Government.

Nakatakdang mabisita ang Baliwag sa Mayo 8 matapos na ang gaganaping ebalwasyon sa Bayan ng San Rafael sa umaga.

Ang mga Bayan ng San Rafael, Guiguinto, Santa Maria at San Jose del Monte City ay mga dati ng bayan at lungsod na may maayos na sistema sa pagkuha ng business permit at tanging ang Bayan ng Baliwag ang nakapasok sa bagong listahan.

Ayon sa Department of Trade and Industry na mahabang natulog ang Bayan ng Baliwag. Dumating pa umano sa panahon na tila ayaw nilang bisitahin pa ito dahil sa taon-taon ay tila wala silang nakikitang pagbabago. Laking gulat umano nila ng bigla ito nabago 360 degrees at kaya naman inanyayahan nila ang Bayan ng Baliwag na saksihan ang awarding ceremonies upang lalo itong ganahan na mapagbago at mapaganda pa ang sistema nito.

Ang Central Luzon Growth Corridor Foundation Inc. ay isang organisasyong itinatag ng mga samahan ng mga Punong Lalawigan sa Central Luzon upang masiguro nito na ang mga bayan ay tumutupad sa pamantayan at nahihigitan pa nito ang itinakdang sistema ng kagawaran para sa mas madaling proseso para sa mga nagnenegosyo.

Advertisements