Baliwag News Service

Bagong District Supervisor ng Baliwag South isa muling Baliwagenya.

Baliwag, Bulacan – Inihatid at sinalubong ng humigit kumulang 350 na katao ang bagong talagang tagamasid pampurok ng Timog Baliwag kahapon, Abril 27 sa isang simpleng seremonya na pinangunan ng mga administrador ng Baliwag South. Si Dr. Irene Labao Elizalde, bagong talagang tagamasid pampurok ay huling nadestino ss Bayan ng San Ildefonso. Bago naman siya mahirang na pamunuan ang San Ildefonso West District ay matagal siyang naging Principal ng Sta. Barbara Elementary School.

Malugod naman siyang tinanggap ng Pambayang Tagapangasiwa Enrique Tagle na siyang kumatawan kay Punongbayan Ferdie V. Estrella. Ani Tagle, “sa pagpasok ni Dr. Irene ay naka dungaw sa kanya ang malalaking hamon para sa sektor ng edukasyon sa Baliwag.”

Inisa-isa ni MA Eric ang lahat ng inaasahang katagpuin ni Dr. Irene sa kanyang pamunua tulad ng pagpapalakas ng samahan sa pagitan ng Synergiea Foundation; pagpapalakas ng mga school governing councils; pagpapataas ng participation rate, cohort survival rate at zeroa dropouts. Natiriyan rin ang pagmimintine ng ating kasalukuyang status na Seal of Good Local Governance.

Hindi pa man nga siya dumarating

Advertisements