Baliwag News Service

Magkasunod na aksidente sa motorsiklo, nirespondehan

Dalawa ang sugatan sa magkasunod na aksidente sa motorsiklo kagabi, araw ng linggo.

Sa pagitan lamang ng kulang isang (1) oras ay dalawang tawag ng aksidente sa motorsiklo ang natanggap ng Baliwag Rescue FVE mula sa Public Assistance and Complaint Center (PACC). Una rito ang naganap sa highway ng Brgy. Sta. Barbara, 07:11 ng gabi. Lalaking edad 40 anyos na taga Guiguinto Bulacan na nagtamo ng sugat sa kanang paa at ilang galos sa katawan. Kasunod ang aksidente ng bandang 08:06 sa Aquino Avenue, tapat ng Banco De Oro (BDO). Edad 22 anyos ang lalaking taga Ulingao, San Rafael Bulacan na nagtamo ng laslas sa kanang tenga at gasgas sa katawan.

Ang dalawang aksidente ay pawang may kabanggan at amoy alak ang hininga. Madalas ang aming paalala sa pagiingat sa pagmomotorsiklo dahil sa tumataas na bilang ng aksidenteng kinasasangkutan nito. Ugaliin ang pagsusuot ng helmet, jacket, gloves, pantalon at sapatos bilang proteksyon sa pagmamaneho. Mas mainam ang mag commute pauwi pag nakainom at magmaneho ng naayon sa iyong skill level.

Advertisements