Baliwag News Service

Pagpili sa mga susunod na Barangay Leaders, Huwag Balewalain

Advertisements

Nagbabago nga ang panahon pati na rin ang paraan ng pamamahala. Sa isang seryosong gobyerno na mabago at maitaas ang antas ng paglilingkod, kailangan talaga tayong pumili ng mga lider na makakasabay sa mga reporma.

Ang mga plano, teknikal na dokumento at mga sistemang ipinatutupad ng pamahalaang nasyunal at lokal nanawagan sa higit pang mabuti, walang inililihim at may pananagutang gobyerno.

Sa pamamahala, teknikal ang paraan ng pagdaraos ng bidding batay sa pamantayan ng Republic Act 9184 o ang Procurement Reform Act. Dahil, papalaki ang mga pondo ng ating mga barangay hindi maiiwasang makabili ng mga kagamitan at serbisyo na higit sa presyo na maaaring bilhin sa pamamagitan ng shopping. Isang pagkakamali nga ay kaso ang aabutin sa ombudsman.

Bukod sa procurement ay ang maayos na pagsusumite ng mga kinakailangan dokumento tulad ng budget. Kailangan na akma ito sa mga isinasaad ng batas. 55-45 at 20% development fund at 5% calamity; 5% GAD at 1% sa Climate Change. Masalimuot nga talaga ito

Sa disaster naman ay kailangan talagang makagawa ng barangay disaster at contigency plan at ito nga ay maipatupad upang mabawasan ang posibleng biktima, implementasyon mula sa mga aral sa bagyong Yolanda na kumitil ng maraming buhay.

POPS

Ang Public Order and Public Safety Plan ay ang bagong teknikal na plano ang dapat maisumite, maaprubahan at maupload ang mga naisakatuparang programa na may kinalaman sa katahimikan ng pamayanan; kaayusan ng bayan; at kaligtasan ng mamamayan.

Social Protection

Proteksyon para sa mga mahihina at ang pagpapaunlad sa kanilang sektor ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng edukasyon, Gender and Development, child-friendliness, senior citizens at persons with disabilities.

Sa aming karanasan, hirap ang barangay na maisagawa ng tama ang lahat ng iyan. Kung ang munisipyo na nga ay nangangapa pa din hanggang sa ngayon, paano pa kaya ang mga barangay? Patuloy ang pagtatalaga ng mga mekanismo upang masiguro na ang gobyerno ay maging behikulo upang ang bayan ni Juan ay umasenso.

Ang sistema ng pagpapatupad ng mga programa sa edukasyon ay masasabi isa sa mga talagang tinututukan ng administrasyon ni Mayor Ferdie. Nagsimula nga ito sa pagsasaayos ng Early Childhood Care and Development Care o Daycare Program ng Baliwag.

ECCD

Prayoridad nga na maisaayos ang ECCD Program dahil naniniwala si Mayor Ferdie Estrella na dapat mahubog ang mga kabataang Baliwagenyo sa pamamagitan ng standardization ng mga practitioners; angkop na kurikulum sa edad nila; instruction; paglalaro; pasilidad; supplementary feeding at parental effectiveness.

Nagtatag din ng Baliwag ECCD Board upang siyang maging Policy-Making Body ng Programang ito.

Nagsagawa ng maraming training upang maihanda ang mga pratitioners katuwang ang Montessori de Sagrada Familia. Pinaaircon ang lahat mg ECCD. Ang computerized profiling ay naipatupad na din.

Kapitan ng Bayan

Dahil mataas na uri ng pagpapaunlad ang kailangan sa ngayon ay kailangan mahusay din ang mamuno. Kailangan makatupad ito sa mga hamon sa:

1. Financial Administration – walang inililihim, may pananagutan at episyenteng pamamahala

2. Public Order and Public Safety – katahimikan ng pamayanan, paglaban sa krimen, pagsugpo sa droga patungo sa isang drug-free barangay, malalakas na katarungang pambarangay.

3. Disaster Preparenedness – evacuation camp, barangay disaster and contigency plan, mekanismo upang mabawasan ang mga biktima ng sakuna.

4. Social Protection – nutrisyon, kalusugan, edukasyon at pagpapalakas sa mga mahihinang sektor

5. Business Friendliness -pagpapadali sa pagkuha ng permit

6. Environment Protection – barangay kalikasan center, segregasyon, pagpapatupad ng RA 9003

7. Arts and Culture – important cultural property, paglalalan sa pagmintine ng mga parke at monumento, malakas na turismo.

.

Advertisements