Baliwag News Service

“Kapitan Lupa” ng San Jose, Natatanging Kandidato sa pagka Kapitan at 6 na Kabataan para SK, Walang Kalaban sa Darating na Halalan

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Tangi at nag-iisa lamang na walang kalaban ang kasalukuyang Brgy. Chairman ng San Jose, Kap. Ronaldo “Lupa” Rivera.

Si Kap Lupa ay nasa kanyang unang termino pa lamang.

Samantala, ang kandidato para sa SK Chairman ng San Jose ay wala din kalaban, si. Mary Grace Olamit o Gracia ay ang nag-iisang kabataan mula sa San Jose ang na nagsumite ng Certificate of Candidacy. Wala din kalaban sa pagka-SK Chairman ng Barangca si Alexis “Tik” Mananghaya Bautista. Naririto pa ang listahan ng mga walang katunggali sa pagka SK Chairman:

Piel – Ernest Gabriel Gonzales Cruz

Pinagbarilan – Maricar Angeles Santos

Tangos – Jeffrey Flores Lansang

VDF – Clarence Manalili Tiquia

Advertisements