Baliwag News Service

Baliwag-Bustos Bridge, isasara na sa Abril 30.

Baliwag, Bulacan – Pormal na nag abiso ang Halrey Construction sa Tanggapan ng Punongbayan ng Bayan ng Baliwag ang nakatakdang pagsasara ng Gen. Alejo Santos Bridge o mas kilala sa Baliwag-Bustos Bridge sa Abril 30, 2018. May inilaang probisyong daanan na magiging alternatibong daan ng mga babagtas ng mga bayan ng Baliwag at Bustos papunta sa norte. Higit nga na mas apektado ang mga Bustosenyo na sa Baliwag nag-aaral at nagkokomersyo.

Wala pang tinukoy na petsa kung kailan matatapos ang bagong tulay.

Samantala, muling pinaalala ni Mayor Ferdie V. Estrella ang kanyang mungkahi na magkaroon pa ng isang tulay sa gawi ng Tarcan o Makinabang upang madecongest ang Gen. Alejo Santos Bridge at upang stratehiyang makatugon ito sa pananaw ng Baliwag bilang Midway Business Destination. Ang Baliwag ay may layong 50km mula sa Manila at Clark.

Samantala, ilang grupo naman ang nanawagan na huwag sanang gibain ang nasabing tulay na ginawa sa panahon ni Pangulong Marcos sa halip ay patibayin na lamang ito upang maisalba ang mga ganitong pamanang kultura at kasaysayan ng bayan.

Ang tulay na ito ay ipinangalan kay Gen. Alejo Santos noong Setyembre 25, 1989 sa bisa ng Republic Act no. 6762. Ang tulay na ito na ginawa noong 1968 ay sinasabing isa sa pinakamatanda sa lalawigan ng Bulacan.

Advertisements