Baliwag News Service

Tag-init na!

Wala nang amihan at opisyal na pong simula ng tag-init!

Tumigil na ang pag-iral ng amihan o northeast monsoon, ayon sa PAGASA.
Asahan na magiging mas mainit pa sa mga susunod na araw dahil sa pamamayani ng ridge ng high pressure area at easterlies.

Pero huwag ring magtaka kung umulan, posible pa rin kasi ang thunderstorms lalo sa hapon o gabi.
Ang publiko ay pinapayuhan na gumawa ng mga hakbang ukol sa pag-iingat upang makaiwas sa heat stress at iba pang sakit na maaring makuha kapag tag-init.
#BaliwagMDRRMORescueFVE
#SerbisyongMayMalasakit
Advertisements