Baliwag News Service

Barangay BIDA Nominations Hanggang Abril 6 na lamang

Watch Barangay Bida Teaser

Baliwag, Bulacan – Ang mga nais na magsumite ng nominasyon para sa kauna-unahang programa na kikilala sa mga natatatanging proyekto ng mga barangay sa Bayan ng Baliwag ay hanggang sa Abril 6 na lamang. Ang Best Innovation for Development Awards ay inilunsad upang itampok din ang mga natatanging barangay captain, ingat-yaman, kalihim, kagawad at iba pang volunteers sa barangay. Bagama’t ito ay unang taon pa lamang inaasahan naman na madami ang magkakainteres dito.

Hindi na nga bago sa mga ganitong gawain ang Bayan ng Baliwag. Itinanghal na Galing Pook Awardee ang Bayan ng Baliwag noong 2011 para sa programang Damayan.

Advertisements