Baliwag News Service

Back to Back Most Outstanding Mayor of the Philippines, Iginawad kay Mayor Ferdie ng Superbrands International

Advertisements

Makati City – Muling kinilala ng Superbrands International si Mayor Ferdinand Viceo Estrella bilang 2018 Most Outstanding Mayor of the Philippines para sa labing-isang national awards at tatlong regional at provincial awards na tinanggap ng Bayan ng Baliwag noong taong 2017. Kabilang na nga sa mga pagkilala na ito ay ang Seal of Local Governance na kauna-unahang natanggap ng Bayan ng Baliwag. Mahirap ito para sa isang bagong upong Mayor na mayroon lamang isang taon upang isagawa ang mga reporma. Bukod dito ay natanggap din ng Baliwag ang Most Improved First Class Municipality matapos umakyat ito mula sa ika-960 na pwesto pababa sa ika-47 na pwesto. Top 10th Most Resilient Municipality in the Nation ang Baliwag at Top 12 sa Infrastracture.

Kung noong 2016 ay binigyan pagkilala ng Superbrands ang transpormasyon at inobasyong ipinapatupad sa Baliwag ngayon naman ay pagkilala sa mga naging bunga ng mga programang transpormasyon.

Ani Mayor Ferdie: “Hindi ko maaaring akuin mag-isa ito. Ang mapabilang sa hanay ng mga beteranong alkalde sa buong bansa ay isa na ngang malaking karangalan. Naniniwala ako na ito ay bunga ng magkakatuwang na pagkilos ng bawat miyembro ng SB at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag. Sa governance, Kung madaming gagawin, huwag kang kumuha ng madaming tao bagkus kumuha ka ng mahuhusay at may malasakit na tao na aagapay sa upang mabigyang buhay ang pananaw. Para ito sa Baliwagenyo!”

Mayor Ferdie joins the roster of veteran and multi-awarded local chief executives like City of San Fernando, Pampanga Mayor Edwin Santiago.

Advertisements