Usapang TODA: Provincial Federation ng Toda nagtakda ng Kulay ng Trike Bawat Bayan.

Advertisements

Baliwag, Bulacan – Ang lahat ng prangkisa na mapapaso ngayong 2018 ay kinakailangan na mag apply ng bagong prangkisa sa Tanggapan ng Baliwag Business Permits and Licensing Office ngayong katapusan ng Pebrero hanggang Marso 10. Kinakailangan ang prangkisa bago ma-issuehan ng sariling parking pass plate. Ang mga prangkisa na nakakuha dati sa kabila nga na hindi taga-Baliwag ay kakasenlahin at hindi na papayagan na marenew bunsod ito sa mahigpit na regulasyong dapat ipatupad ng BPLO upang magtama ang bilang ng mga tricycle at hindi na maglabas pa ng mga bagong motorsiklo.

Ilan nga sa mga repormang ipapatupad ngayon taon ay ang pagtatama sa mga nakaraang sistema na sa halip na

mapaayos ito ay naabuso pa:

1. Ang numero ay inireset sa zero hanggang sa huling numero
2. Ang numero ay galing sa bplo
3. Kulay asul ang tricycle base sa nabunot ng baliwag
4. Ang decal ay nakalagay lamang na Baliwag – (Barangay) 888
5. Lahat ng mageexpire ng 2018 ay sabay sabay na magrerenew simula march 1 to march 10; march 11 to march 20 ay ang mga mageexpire ng 2019 at march 21 to 30 ang mga mageexpire ng 2020.

6. Subalit, ang lahat po ng napatubayang hindi taga baliwag ay kanselado ang prangkisa.
7. Bilang pakunswelo ay bibigyan namin kayo ng prangkisa para sa ruta na nakalaan para sa iyong bayan.
8. Ang Non Baliwag at Private Baliwag and Non Baliwag ay kailangan din kumuja ng parking pass upang maregulate ang tricycle. Ang mga private na baliwag toda ay parking pass lamang ang baabayran.

9. Tuloy-tuloy pa din ang social preparation sa ating mga trike driver. Yung nais na mag-iba ng propesyon at kulang ang kasanayan tulad ng pagdadrive ay
maaring makipag usap sa ating Peso. Gayundin ang mga asawa o anak ng trike drivers na nais nasumailalim sa income augmentation program.
11. Samantala ang lahat ng nais na magpakonsulta sa ating mga doktor sa kanilang birth month ay magpakonsulta na ss pinakamalapit na rhu o ss Malasakit Center