Baliwag News Service

Special Non-Working Holiday sa Baliwag sa Mariano Ponce Day

Baliwag, Bulacan – Isang Banal na Misa, Pagtataas ng Watawat at Pag-aalay sa Bantayog ni Mariano Ponce ang inihanda ng Baliwag Arts and Culture Office at Pangkat Saliksik at Kasaysayan ng Baliwag o PASAKABA para sa ika-155 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Mariano Ponce. Pangungunahan ni Punongbayan Ferdinand V. Estrella ang programa para sa Mariano Ponce Day na ipinroklama ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Special Non-Working Holiday sa Bayan ng Baliwag sa bisa ng Proklamasyon Blg. 429.

Nag-aabiso naman ang Baliwag Traffic Management Office na isasara ang Plaza Naning simula ika-5 ng umaga sa Marso 22 upang bigyang daan ang mga nasabing programa.

Advertisements