Baliwag News Service

Ten wheeler truck sinalpok ng L300

Nito lamang 2:10pm ng hapon, Marso 12, 2018 ay isang aksidente ang nirespondehan ng Baliwag MDRRMO Rescue FVE sa tapat ng Monrovia Court, DRT High-way, Baliwag Bulacan. Isang L300 fb van ang sumalpok sa isang ten wheeler truck sa hindi pa malamang dahilan. Naipit ang driver ng L300 na nasa edad 37 na taga Brgy. Tibag, Baliwag Bulacan na nag tamo ng sugat sa kanyang kilay at ilang galos sa braso dahil sa nabasag na salamin ng sasakyan na dinala sa Our Lady of Mercy General Hospital. Muli po ay palaging nagpapaalala ang aming Tanggapan mag-ingat sa pagmamaneho.
Advertisements