Baliwag News Service

PDP Laban Nagtakda ng Mass Oath-Taking. SP Pimentel at Speaker Alvarez Dadalo

Lungsod ng Malolos – Pangungunahan nina Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III at Speaker Pantaleon Alvarez ang Mass Oath-Taking ng mahigit sa 24,000 Bulakenyo mula sa 24 na mga lungsod at bayan sa lalawigan ng Bulakan. Ang lungsod ng Malolos ang host city para sa malaking okasyon na ito at pangungunahan ng kanilang Punonglungsod, Christian Natividad. Suportado siya ng dalawa pang punonglungsod, si Atty. Henry Villarica ng Meycauayan at Mayor Arthur Robes ng San Jose Del Monte. Sina Deputy Speaker Linabelle Villarica ng ika-apat na distrito at San Jose del Monte City Lone District Representative Rida Robes ay nakasuporta din. Samantala, mahigit na 15 nanunungkulang punongbayan ang sumusuporta dito kabilang na ang mga bayan ng Angat, Balagtas, Baliwag, Bulakan, Calumpit, DRT, Hagonoy, Plaridel, Sta. Maria, Marilao, San Ildefonso, Marilao, Obando, Pandi at Paombong.

Nakatakdang magsimula ang programa ng 8am ngunit ang mga opisyal na makakpasok sa loob ng gym ay inaasahan na nasa loob na ng Malolos City Gymnasium bago ang pagsasara nito ng 6:30 ng umaga.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.