Baliwag News Service

Poultry Farm, natupok

Isang sunog ang naganap bandang 11:35 ng umaga sa R. Rodrigo Poultry sa DRT Highway. Mabilis na lumaki ang apoy dahil yari ito sa light materials. Sa pangunguna ng ating Punong Bayan Ferdie Estrella ay agad tumulong sa rumesponde ang Baliwag MDRRMO Rescue FVE sa ating Baliwag BFP katuwang din ang San Rafael BFP. 11:40 ay naideklara ang fire-out at nagkakaroon na lamang ng clearing operation sa lugar at inaalam pa din ang pinagmulan ng sunog.
Ang lahat ay pinapayuhan na mag-ingat lalo’t nalalapit na ang Fire Prevention Month sa susunod na buwan.
Advertisements