Baliwag News Service

RITMO BALIWAGENYO: EKSIBISYON NG YAMANG SINING AT MUSIKA

Advertisements

Nito lamang nakaraang Pebrero 23, 2018 ay pormal na Nagsimula ang “Ritmo” Eksibisyon alinsunod sa pagdiriwang sa buwan ng sining na iginayak sa Museo ng Baliwag sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella.

Nagkaroon ng ceremonial ribbon cutting, hudyat ng pagbubukas ng Museo ng Baliwag sa mga panauhin at Baliwagenyong nais masilayan ang yaman ng kultura at sining na matatagpuan sa nasabing eksibisyon. Pinangunahan ng punong Bayan Ferdie Estrella ang nasabing seremonya na kung saan nakasama nito ang mga bata na lumibot sa nasabing museo.

Nagkaroon ng munting salu salo handog ng Pamahalaang Bayan sa mga bisita at panauhin habang sila ay inaliw ng mga piling pagtatanghal mula sa mga Baliwagenyong kinikilala angking galing sa sining at musika.

Naghandog ng kanilang himig ang FLUMA VIRON ng Cuerdas, CUERDAS RONDALLA, pag awit mula kay Ms. Sofia Novielle Santos ng Baliuag School of Music and Arts at si Ginoong Mark Villanueva na siyang hinarana ang mga panauhin sa kanilang natatanging pag himig gamit ang violin at rondalla, sumayaw naman ang mga piling mag aaral ng Sto. Niño Highschool sa indayog ng pandango.

Nagtanghal rin sina Prvt. Luisito Mateo Jr at Srgt. Rexie Tayao ng Philippine Army Band. Gayun din ang pagtatanghal ng mga baliwagenyong banda, mga orihinal at reindisyong tugtugin mula sa Kulaspiro, The Herschel at Roots Remedy.

Tunay nga na napakayaman ng ating bayan di lamang sa kasaysayan, kultura at sining, ngunit maging sa mga talento sa pag awit at pag tugtog ng mga instrumento na siyang lumilikha ng napakagandang himig.

Ang Ritmo Baliwag ay Bukas sa publiko hanggang Marso 23,2018, Lunes hanggang Biyernes 8-5 ng hapon maliban sa araw ng sabado at linggo. Ang Baliwag Museum sa pangunguna ni Ms. Jesusa Garcia Villanueva (Municipal Curator) ay inaanyayahan ang bawat Baliwagenyo na sariwain at yakapin ang mayamang kasaysayan at kultura ng Baliwag hindi lamang sa sining at musika maging sa pagguhit at pagsulat.

#baliwagarts #baliwagmuseum #artsmonth #galingngbaliwagenyo #himigbaliwag

Advertisements