Baliwag News Service

Mayor Ferdie Binisita ang Santo Cristo-Pagala Access Road

Lopez Jaena St., Sto. Cristo – Binisita ni Mayor Ferdie V. Estrella kasama ang Pambayang Inhinyero Engr. Romeo Santos ang kasalukuyang ginagawańg Sto. Cristo-Pagala Access Road na siyang inaaasahang magiging alternatibong daan palabas at papasok ng Doña Remedios Trinidad Highway. Inaasahan din na magpapababa ito ng trapiko sa BS Aquino Ave. na hindi na makahinga sa tindi ng dami ng sasakyan na dumadaan dito dagdag pa ang kakulangan ng probisyon para sa parking.

Ang Access road na ito ay mabubuksan pagkaaraan lamang na gawin ang tulay na tatawid sa irrigaton canal. Nakatakdang pasinayaan ang kalsadang ito sa susunod na buwan. Ang Access Road ay inaaasahang magiging isa sa pinakaabalang lansangan sapagkat dito rin magtatagpo ang alternatibong daan patungo sa SM City Terminal at Baliwag Government Complex.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.