Baliwag News Service

Baliwag Bubuksan na ang Central MRF, Rehabilitasyon mula sa Premyo ng SGLG

Baliwag, Bulacan – Bilang pagsunod sa isinasaad ng Republic Act 9003 o ang tinatawag na Solid Waste Management Act, inihahanda na ng Bayan ng Baliwag ang muling operasyon ng Central Material Recovery Facility nito na matatagpuan sa Barangay Tarcan.

Dalawang bahagi nga ang magiging operasyon ng Mahigit limang ektaryang material recovery facility ng bayan ng Baliwag. Dahil dito din matatagpuan ang Tarcan Kalikasan Center. Napagdesisyunan na mailaan ang pondo mula sa premyo ng Seal of Good Local Governance – Performance Challenge Fund sa central mrf upang walang lagot na maisaayos ang tumitinding problema sa basura. Ipapatupad na nga ang segregation management mula sa mga kabahayan. Ang Baliwag nga ay naglalaan ng kulang 10 porsiyento ng kabuuang kita nito dahil sa dami ng basura na hinahakot araw-araw. Kung patuloy na hindi magsesegregate ng basura ay patuloy na lalaki ang ating gastusin na sa halip na mauwi sa proyektong pagpapaunlad ay nasasayang lang sa pagtatapon ng basura.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.