Baliwag News Service

Barangay Kalikasan Center sa bayan ng Baliwag

BKC

Patuloy ang pagsasagawa ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ng mga makabuluhang proyekto katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) upang matugunan ang suliranin sa dumaraming basura sa ating pamayanan. Isang paraan dito ay ang pagtatayo ng “Material Recovery Facility”.

Ang Material Recovery Facility ay isang lugar o pasilidad na kung saan dinadala ang mga pinag-hiwa-hiwalay na basura mula sa mga bahay-bahay upang pansamantalang ilagak ang mga di-nabubulok at gawing pataba ang nabubulok.

Kaugnay nito, ang pamahalaang bayan ay napagdesisyunan ang pagtatayo ng Material Recovery Facility (MRF) sa sampung (10) piling barangay sa Baliwag na tatawaging “Barangay Kalikasan Center.” Ang Barangay Kalikasan Center ay hindi lamang isang simpleng MRF bagkus magkakaroon din ito ng mga lugar para sa: Composting area, Urban Gardening, Sorting area at opisina para sa Barangay Solid Waste Management Board.

Sa kasalukuyan, ang Barangay Piel at Barangay Tarcan ay nahandugan na ng nasabing proyekto. Nakatakdang buksan ang Barangay Tarcan Kalikasan Center sa darating na Marso at kasalukuyang itinatayo ang sa Barangay Piel.

Layunin ng proyektong ito na mabawasan ang bilang ng basura na dinadala sa Sanitary Landfill at muling mapakinabangan ang mga reusable, recyclable at mga compostable na basura. Malaking tulong din ito upang maisabuhay ng mga Baliwagenyo ang kanilang mahalagang papel sa tamang pamamahala ng mga basura.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.