Baliwag News Service

FSCAP-BALIWAG 25TH ANNIVERSARY & SENIOR CITIZENS ASSEMBLY #KasamaKangTumanda

Kasabay ng Araw ng mga Puso noong February 14, 2018, ay ipinagdiwang ang ika-dalawampu’t limang  Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines Baliwag Chapter (FSCAP) na ginanap sa Glorietta Park sa Barangay Poblacion na dinaluhan ng mga senior citizens mula sa dalawampu’t pitong barangay sa bayan ng Baliwag.

Ilan sa mga itinampok sa pagdiriwang ay ang pagpapamalas ng mga senior citizens ng kani-kanilang talento gaya ng pagsayaw, pagkanta, at pagtula, at ang pinaka aabangang paghirang sa King and Queen na nakamit nina Mr. Jaime Quintos at Mrs. Nenita Quintos mula sa barangay Tilapayong at Stars of the Night na nakamit naman nina Mr. Timoteo Natividad mula sa barangay Subic at Ms. Violeta Santiago mula sa barangay Makinabang. Nagtapos ang programa sa isang sayawan na inilaan para sa mga nagkamit ng parangal.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.