Baliwag News Service

Brgy. Tiaong, KAMPEON sa 2nd MFVE “Liga ng Bayan” Inter Barangay Basketball League.

Nanaig ang Brgy. Tiaong kontra karibal na Brgy. Poblacion sa final score 67-63 para masungkit ang titulo ng 2nd MFVE Inter Barangay Basketball League nitong biyernes (Feb.16).

Napuno ang baliwag star arena at nasaksihan ito ng mga baliwagenyo ang isang mainit na simula ng brgy. tiaong nanaig ang sigasig ng tiaong para makuha ang huling panalo, subalit hindi ito naging madali para sa kanila laging tumutugon ang brgy poblacion sa bawat tikada na ginagawa ng tiaong. naging mainit ang huling laro subalit pinatunayan ng magkabilang panig ang respeto sa bawat kalaro kayat pinatunayan nila na ang mga manlalaro baliwagenyo ay maayos mabait at magalang sa isat isa.

Pagdating ng ikatlong quarter, pinilit ng Brgy. Poblacion na bumalik sa laban sa pamamagitan ng shooting at inside plays nina Rivera at Vergara. subalit mas nangibabaw ang lodi ng brgy, tiaong na si javier na gumawa ng 24 pts. 16 reb. at tinanghal na Final Most Valuable Player (MVP). isa na namang maituturing na matagumpay ang naging proyekto ng ating mahal na MAYOR FERDIE V. ESTRELLA at Sports Development Office.

Advertisements