Baliwag News Service

BRGY. POBLACION HINDI NAGPATALO LABAN SA KOPONAN NG BRGY. TIAONG .

Nito lang February 14 araw ng mga puso, “PUSO” yan ang ginamit na sandata ng brgy. Poblacion para makamit ang unang panalo kontra brgy. Tiaong at upang pigilan ito sa nalalapit nilang kampyonato.

Bagamat bigo sa kanilang naunang dalawang laro, muling bumangon upang patunayan at idipensa ang kanilang korona sa 2nd MFVE Inter Barangay Basketball Tournament. Ito ay pinangunahan ni Rivera ng brgy. Poblacion na nakapagtala ng 28 pts, 6 rebounds, 6 assists, 4 steals, 1 shot block.

Samantala, hindi nasungkit ni Javier ng brgy. Tiaong ang inaasam na panalo na nag-tala ng 23 puntos at 12 rebounds. Isang panalo nalang magwawagi na ang koponan ng brgy. Tiaong. Masusungkit kaya?

Atin po’ng abangan ang susunod na labanan at pagtatagisan ng lakas ngayong biyernes, ika-16 ng pebrero sa ganap na ika pito ng hapon (7pm). please like our page @SDOBaliwag for more updates and live videos.

Advertisements