Baliwag News Service

Magkaangkas na nasuro ng Starex, patay.

Kanina lamang bandang 1:40 ng madaling araw ay may nirespondehan ang Baliwag Rescue FVE mula sa tawag ng Public Assistance and Complaint Center (PACC) sa kahabaan ng Tarcan-Makinabang. Parehong nasa edad 26 ang dalawang (2) lalaki na sinabing nasuro ng Starex ayon sa ilang saksi na pawang residente ng Brgy. Makinabang. Ang dalawa ay tinakbo sa ACE Medical Center at Baliwag District Hospital ngunit naideklara ding patay ng mga doktor. Walang makapagbigay ng iba pang detalye dahil na din sa iilan ang saksi, bilis ng pangyayari at dilim ng lugar. Sa kasamaang palad, ang nangyaring aksidente ay hindi naabot ng kuha ng ating CCTV kaya’t palaisipan pa din kung paano nangyari ang buong insidente.

Mgsilbi pong babala para sa lahat na magingat at palaging magsuot ng helmet sa pagmomotorsiklo.

 

Advertisements