Baliwag News Service

“Hindi ko kailanman inabuso ang kapangyarihan, pero alam ko kung kailan ito dapat gamitin!” – Mayor Ferdie

Advertisements

Baliwag Municipal Compound – Iyan nga ang mga katagang sinabi kanina ni Mayor Ferdie V. Estrella sa kanyang talumpati sa kanyang lingguhang mensahe sa flag ceremony. Aniya, “sa aking mahabang panahon ng paglilingkod mula ng ako ay maging SK Chairman hanggang maging Punongbayan, hindi ko kailanman ginamit o nilagay sa aking ulo ang posisyon at kung ano ako noon ay ganoon pa din ako ngayon. Hindi ako umabuso sa kapangyarihan ngunit alam ko kung kailan ito dapat gamitin.”

Ang lahat ng ito ay nag-ugat sa reklamo na inihain ng Department of Education matapos na pasukin, gibain at sirain ang opisina ng PTA ng walang abiso o permiso mula sa ahensiya.


Hindi dahilan na kapag ito ay pag-aari ng gobyerno ay maaari na itong tayuan basta-basta. Mayroong mga institusyon na dapat pagpaalamanan at mayroong tamang proseso na dapat gawin. Katulad na lamang ng Barangca ECCD/Daycare. Kinailangan pa nga na himingi ng permiso sa DEPED na makasakop ng isang metro bago nga matuloy ang konstruksyon nito.

Kung Malacanang ang may ari ng lupa na iyon ay magagawa kaya niya na basta patayuan ito? Dahil ba guro, mag-aaral at magulang lang ang may hurisdiksyon dito ay basta-basta lang aagawan at kakayan-kayanin? May batas at panuntunan na pinaiiral sa alinmang institusyon. Tungkulin ng isang kawani ng pamahalaan na protektahan ito.

Hindi katwiran na mga taga-Sta. Barbara din naman ang makikinabang dito. Hindi ba mga taga-Sta. Barbara ang makikinabang sa lahat ng mga proyektong aking ibinababa. Paano makikinabang ang taga-Sta. Barbara kung tinatapunan ng mga pinaghugasan ng barangay ang loob ng eskwelahan. Hindi kaya higit na tunay na mas makikinabang ang ating mga kababayan kung sa isang lupa ng munisipyo maitatayo ang bagong barangay hall ng Sta. Barbara na plano ni Mayor Ferdie ngayon taon.

Maloloko ang tao isang beses, dalawa, ngunit hindi sa habang panahon.


Advertisements