Baliwag News Service

Lasing na motorista, sanhi ng ilang aksidente sa kalsada

Nito lamang madaling araw ng sabado at linggo ilang aksidente na naman sa single na motor ang narepondehan ng Baliwag Rescue FVE na karaniwang dulot ng matinding pagkalasing. Ang ilan ay nangyari sa kahabaan ng Ultra Mega at Pagala highway. Kadalasang gasgas at ilang bali sa katawan ang karaniwang natatamo ng mga naaksidente.

Madalas ang ganitong pangyayari tuwing sasapit ang weekends kaya’t paulit-ulit ang paalala ng aming tanggapan sa palagiang pagiingat at iwasan na ang pagmamaneho ng motor lalo’t nasa impluwensya na ng alak dahil higit na mahalaga ang buhay kaysa sa panandaliang pagsasaya.

Advertisements