Baliwag News Service

KONSEHO NG NUTRISYON: MAAYOS NA KALUSUGAN NG BAWAT BALIWAGENYO

Nito lamang Pebrero 06, 2018 ay nagkaroon ng pagpupulong ang miyembro ng Baliwag Nutrition Council na pinangunahan ng Punong Bayan Ferdie Estrella. Ang pagpupulong ay tumuon sa mga isyung pang kalusugan ng bawat baliwagenyo na ninanais ng Lokal na Pamahalaan na mas maiangat pa ang estado at matiyak na ang bawat mamayan ay malusog at magkaroon ng serbisyong pang kalusugan mula sa ating pamahalaan.

Tinalakay ang magkakatuwang na pag tugon sa mga pangangailangan ng mga batang Baliwagenyo na nasuring may malnutrisyon. Mula sa 190 na mga bata nuong nakaraang taon ngayon ay nasa kumulang 120 nalamang na mga bata ang nasa nutrition program ng bayan na patuloy na nagpapakita ng magandang pagbabago sa kanilang timbang.

Nagkaroon ng pagsasalaysay ang bawat departamento alinsunod sa kanilang magiging importanteng parte sa pagtitiyak na ang mga batang ito ay patuloy na gumanda ang nutrisyon at maayos na marehabilitate tungo sa mas malusog na pangangatawan.

Tiniyak ng Punong Bayan Ferdie Estrella na ang bawat programang naka angkla sa pag resulba sa suliraning pangkalusugan ng bawat mamamayan ay tututukan nyang personal at bibigyan ng higit na suporta at prayoridad upang matiyak na ang bawat batang baliwagenyo ay makatanggap ng ayuda at suportang kinakailangan upang maisayos ang kanilang kalusugan.

Matatag at tiwala ang Pamahalaang Lokal ng Bayan na mareresulba ang mga suliranin sa kalusugan ng mga baliwagenyo dahil sa magkakatuwang na pag tutulungan ng bawat isa tungo sa mas malusog na pangangatawan ng bawat mamayan.

Dahil sa bayan ng Baliwag, walang sino man ang Maiiwan!

#baliwag #baliwagnutritioncouncil #wastongnutrisyonparasalahat

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.