Baliwag News Service

STRUGGLING READERS VOLUNTEERS

Dahil sa Adbokasiya ng Punong Bayan Ferdie Estrella na mailapit at matiyak ang Dekalidad na Edukasyon para sa lahat ng Batang Baliwagenyo, ay nagkaroon ng isang Espesyal ng Programa ang Pamahalaang Bayan upang matugunan ang suliranin ng mga batang Baliwagenyo na nagkakaroon ng suliranin o “Struggle” sa tamang pagbigkas at pagbasa, na kalimitang nasa ikalawa o ikatatlong antas sa Elementarya.

Upang magkaroon ng “Magkakatuwang” na pag tugon at pagtulong sa mga batang ito, na kalimitan ay hindi kayang mag hire ng mga pribadong tutor upang itama at iwasto ang kanilang suliranin sa pagbigkas at pagbasa, tinipon ng Punong Bayan Ferdie Estrella ang mga Kampeon ng bayan ng Baliwag sa Larangan ng Edukasyon, kabilang ang mga District Superintendent ng Baliwag North and South, Baliwag Polytechnic College, Fernandez College, Early Childhood Care and Development at ang mga Boluntaryong Baliwagenyo na magiging Katuwang ng Pamahalaang Bayan sa Pag tugon sa nasabing suliranin.

Boluntaryong pinangunahan ni Ms. Fidji Rivera-Sarmiento, Special Ed. Teacher kilala hindi lamang sa bayan ngunit maging sa Amerika na pangunahan ang paglikaha ng program tool na tutulong sa mga boluntaryo sa pag tulong sa mga mag aaral mula sa Baliwag North and South District.

Nagkaroon ng paunang oryentasyon sa mga Boluntaryo na umabot sa limampung (50) mga indibidwal, ang tumugon sa panawagan ng Punong Bayan na magiging Katuwang ng Pamahalaan sa pagtulong sa mga nasabing mag aaral.

Nagkaroon ng paguusap at konsultasyon sa pagitan ng mga Boluntaryo at ng Struggling Readers Committee upang sa ikasasaayos ng pagpapadaloy ng Programa, matapos ang nasabing Oryentasyon ay nagkaroon ng mag iiskedyul ng training para sa mga boluntaryo upang masa epektibo nilang maiimplementa ang program tool para sa mga struggling readers, na susundan ng deployment ng mga ito sa pinaka malapit na paaralan sa kanilang tirahan at masimulang maitawid ang bawat struggling readers sa pagiging proficient readers.

Tunay nga na nakakatuwa na dahil sa Adbokasiya ng Punong Bayan Ferdie Estrella na magkaroon ng Magkakatuwang na pagtugon sa mga suliranin sa ating bayan ay marami ng Baliwagenyo ang ating nagiging katuwang at kasama sa patuloy na pag papasaayos at pagpapaunlad ng ating Bayan.

Sama sama, tulong tulong, tuloy tuloy ang pag positibong pag babago at pag unlad ng bawat Baliwagenyo, tungo sa mas maayos, masagana at asensadong Bayan ng Baliwag!

Sa ngalan ng Serbisyong May Malasakit!

Advertisements