Baliwag News Service

PAGBISITA NG RELIC OF ST. THERESE AT ANG KAPATIRAN 2018 SA BAYAN NG BALIWAG

Dahil narin sa epektibong Pamumuno ng Punong Bayan Ferdie Estrella ay nakikilala ang Bayan ng Baliwag sa marami at ibat ibang aspeto ng Kagalingan at Kaunlaran, dahil dito ay hindi lamang mga Mamumuhunan o mga Investors ang naeenganyong bumisita at magtungo sa ating bayan, ngunit maging mga turista mula sa malalayong bayan, probinsya at rehiyon at maging sa Ibang Bansa pa.

Nito lamang ay nagkaroon ng pagpupulong ukol sa Pagbisita ng “Relic of St. Therese, of the Child of Jesus” na magmumula sa France at ang Gaganaping Kapatiran 2018 sa Bayan din ng Baliwag.

Sa pamumuno ng Punong Bayan Ferdie Estrella ay nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga Nakatalagang Focal Person sa dalawang nasabing aktibidad at ng mga pinuno ng Tanggapan ng PNP, Baliwag Traffic Management Office, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Public Information Office, Baliwag Web TV, Municipal Information, Communication  and Technology Office at ng Municipal Administrator ukol sa maayos at magkatuwang na pag papadaloy ng mga nasabing aktibidad.

Naatasan ng Punong bayan ang mga nasabing tanggapan upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat Bisita, at mga Baliwagenyong makikilahok sa mga nasabing Religious Activity. Gayundin ang maayos na daloy ng trapiko, mga nakaantabay na Rescuers o First Aiders para sa kaligtasan ng mga tao, at ang pag kakaroon ng pag uulat mula sa PIO at Baliwag Web TV para sa kaalaman at kabatiran ng bawat Baliwagenyo at Mamayang naka tuon  sa mga aktibidad na ito.

Ang “Relic of St Therese” ay naka iskedyul ngaung araw, Pebrero 04, 2018 na bumisita sa “Makinabang Parish” at dadalin patungo sa “St Agustine Parish” sa Poblacion, Baliwag Bulacan, para ruon ay mabisita at makita ng mga deboto at mga tao ang nasabing reliko. Ang Nasabing Relic ay lalagi sa nasabing Simbahan hanggang Pebrero 05, 2018, Lunes 03:00 ng hapon bago ito ilipat sa Bayan ng Angat, Bulacan.

Ang Kapatiran 2018 naman ay isasagawa sa Pebrero 10, 2018 mula 04:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang nasabing Kapatiran ay ang pag titipon tipon ng mga Seminarista at ibat  ibang pinuno ng Simbahang Katolika mula sa ibat ibang rehiyon ng Bansa, tinatayang nasa 800- 1000 mga partisipante/ bisita ang magtutungo sa ating bayan sa nasabing araw upang dumalo sa Kapatiran.

Tunay nga na sa Pamumuno ng Punong Bayan Ferdie Estrella ay nakikilala ang angking ganda ng ating bayan, at kagalingan ng bawat baliwagenyo, hindi lamang sa ating probinsya, rehiyon at maging sa ibang bansa.

Dahil sa Magkakatuwang nating pagsasagawa ng mga programa at aktibidad na naglalayon sa pagpapaunlad ng bawat Baliwagenyo ay nakakatuwang maraming tao na ang nakakabatid ng Maganda at Produktibong Pag Unlad ng ating Bayan.

Sa ngalan ng Serbisyong may Malasakit, Walang sino mang Baliwagenyo ang Maiiwan, Baliwagenyo Taas Noo, Baliwagenyo Ako!

 

Advertisements