Baliwag News Service

DISASTER PREPAREDNESS AND FIRST AID TRAINING ISINAGAWA SA BALIWAG WATER DISTRICT

Isa sa mga hakbang upang matiyak na laging “Listo” at “Handa” ang bawat Baliwagenyo sa anu mang uri ng sakuna ay ang pagbibigay ng wastong kaalaman at kasanayan sa bawat Baliwagenyo.

Kaya naman sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella ay inatasan nito ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Baliwag Rescue FVE na magkaroon ng Training Seminar sa parehas na Pampubliko at Pribadong Sektor.

Sa taong 2018 ay lilibot ang MDRRMO Training Unit upang magbaba ng mga kaalaman at kasanayan ukol sa tamang pag respunde sa ibat ibang uri ng Sakuna o Disaster at pagbibigay kasanayan sa Pangunang Lunas o First Aid, hindi lamang sa mga Pribadong Kumpanya maging sa lahat ng Paaralan sa Baliwag, mga Barangay at sambahayang malimit maapektuhan ng pag baha at sa lahat ng mga Vulnerable Sectors ng Bayan.

Isa ang Baliwag Water District sa mga nabigyan ng Training Seminar ukol sa Disaster Preparedness and First Aid nito lamang Pebrero 02, 2018 alinsunod narin sa kanilang kahilingan na magkaroon ng nasabing programa sa nasabing petsa.

Asahan ang paglibot ng Baliwag MDRRMO Rescue FVE sa mga barangay at paaralan sa ating bayan sa kanilang pag sasagawa ng mga Training Seminar ukol sa kahandaan sa ibat ibang uri ng Sakuna, isa sa mga hakbang upang matiyak na Laging Handa ang bawat baliwagenyo sakali mang tayo ay dumanas ng isang kalamidad.

Dahil sa bayan ng Baliwag, Laging “I am Ready” at laging “Listo, Baliwagenyo!”.

Advertisements