Baliwag News Service

BALIWAG QMS TEAM: DEKALIDAD NA SERBISYO PARA SA LAHAT NG BALIWAGENYO

Alinsunod sa kapasyahan ng Punong Bayan Ferdie Estrella ay magsagawa ang Quality Management System Team ng Pagsusuri sa bawat Opisina at Departamento ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag, ito ay naglalayon na mas mapabuti at mapasaayos ang bawat serbisyong handog para sa bawat Baliwagenyo.

Sa kagustuhan ng Punong Bayan na mas mailapit ang mga dekalidad na serbisyo sa bawat mamamayan ay sumasailalim sa paghahanda ang bawat opisina para sa nalalapit na ISO Internal at External audit. Ang nasabing review ng QMS Team ay isasagawa sa bawat araw ng Martes at Huwebes sa buwan ng Pebrero.

Ang mga miyembro ng QMS Team sa pangunguna ng Punong Bayan at ng Pambayang Taga Pangasiwa kasama ang ilang pinuno ng tanggapan ay magkakatuwang sa pag tulong sa bawat tanggapan na mapasaayos ang bawat sistema at mapabilis ang daloy ng bawat proseso upang higit na makapaglingkod sa nakararaming Baliwagenyo sa pinaka maagap na pamamaraan.

Asahan na sa mga darating na mga buwan ay unti unti pang mapapabuti at maisasaayos ang bawat Serbisyong May Malasakit na Handog ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella na nag titiyak na “Walang sino Mang Baliwagenyo pa ang Maiiwan”, sa ngalan ng serbisyong May Malasakit at May Puso, Sama sama, lahat tayo, Asensado, Baliwagenyo!

Advertisements