Baliwag News Service

Baha sa Tangos, Santo Cristo at B. Nayon, Unti-Unti ng Humupa. Tuloy pa din ang gawain.

Advertisements

Baliwag, Bulacan- “Puno na ang salop!” Iyan nga din ang mga binitawang salita ni Mayor Ferdie matapos niyang ituro ang naging sanhi ng pagbaha na naka apekto sa maraming residente ng tatlong barangay.

Ngayon, kasalukuyang binubuksan natin ang mga natabunang lagusan ng tubig sa ilalim ng bloomingdales. Mga sapa iyon na nasarahan. Ayoko ng band-aid solution, yung tatakpan natin para hindi makita ang sugat. Let us get to the bottom of it, para hindi maaksaya ang pera ng bayan!” ayon pa nga kay Mayor Ferdie.

Matapos nga ang Bulong Pulungan noong Huwebes ay bigla na lang humupa ang tubig sa mga barangay na nabanggit matapos lamang maipaliwanag ni Mayor Ferdie V. Estrella ang tunay na dahilan ng pagbaha.

Ang Bulong Pulungan ay inorganisa upang maipaliwanag ng mabuti ang dahilan kung bakit nagbabaha sa lugar na iyon. Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga residente sa nakitang kapabayaan ng mga nagtatapon ng basura dito.

Inilatag nga ni Municipal Administrator Enrique Tagle ang mga nakitang problema dito : 1. Basura 2. Pagsasara ng lagusan sa ilalim ng bloomingdales papunta sa sapa 3. Pagsisikip ng sapa na tinatawag na bitukang manok 4. Mga mali at putol na drainage solusyon: 1. Pagtanggal sa basura 2. Pangkalahatang Pagbabawal sa operasyon ng junkshops 3 pagsasaayos at pagtugonin ang drainage ayon ss drainage plan 4. Pagkukumpuni ng mga kantarilya 5. Pagtataas sa embankment 6. Pag-alis sa mga istrukturang nagpapakitid o nagpapabagal sa pagtakbo ng tubig 7. Pagbabawal na magtayo sa gilid ng irigasyon at relokasyon ng mga nakatayo na ngayon doon at inisa-isa ang mga solusyon dito. Sinabi niya na handa ang pamahalaan na gawin ang mga imprastraktura ngunit kahit anong pagawaing bayan ay hindi makakasapat kung ang mga mamamayan ay patuloy na hindi makikiisa at magtatapon na lamang ng basura.

Nakatakdang lumagda si Mayor Ferdie Estrella na nagbabawal sa alinmang uri ng junk shop operation sa gilid ng patubig kasama ang pagkakaroon ng inventory of informal settlers upang hindi na madagdagan ang mga nakatayong bahay dito. (Photo credits: mga kuha nila Boyet Luna at Lemmor Hipolito sa Villa Cecilia at BS Aquino Avenue)

Advertisements