Baliwag News Service

Pagdating ng Bone Relic ni St. Therese of the Infant Jesus sa Baliwag, Bulacan.

Simula sa ika-4 ng Pebrero hanggang ika-5 ng Pebrero ay mananatili sa Parokya ni San Agustin ang Relikya ni Santa Teresita ng Niño Jesus. Ito po ay galing sa Lisieux, France na iniikot sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Isa sa mag-we-welcome dito ay ang ating Punong Bayan, Mayor Ferdie Estrella at inaasahan din ang pagdating ng ating mga Councilors ng ating Bayan.

Sa ilang mga nanalangin sa pamamagitan ni St. Therese at nagbigay galang, may mga nagpatunay na na sila ay nakatanggap ng pagpapala tulad ng pag-galing sa kanilang mga karamdaman.

Si Sta. Teresita ay ang kinikilalang patron ng mga ating military (Military Ordinariate of the Philippines).

Darating sa Parokya ni San Agustin ang Relic (Bone Relic) ni Sta. Teresita sa ganap na ika-10 ng umaga. Pagdating ay magkakaroon ng Banal na Misa na pangungunahan ng mga Pari sa Parokya ni San Agustin.

Mula ika-12 ng tanghali hanggang ika-10 ng gabi ay ilalagak ang relic sa loob ng K of C Hall upang makapagbigay galang mga nagnanais magpunta.

Kinabukasan, 5am ay ililipat na muli sa loob ng Simbahan hanggang ika-3 ng hapon. At sa ika-3 ng hapon ay ihahatid ang relic sa Encanto Angat.

Dalangin natin na ang mga dadalo at makikiisa sa pagdiriwang na ito ay makamit ang kanilang kinakailangang kagalingan at katugunan sa kanilang mga kahilingan.

 

Santa Teresita ng Niño Jesus – Ipanalangin mo Kami

 

Advertisements