Bilang katuwang sa paghahatid ng Serbisyong May Malasakit sa Kalikasan, ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Sun Cellular ay magkakaloob sa mga paraalan ng Palit Basura Store sa Paaralan. Labing-isang paaralan para sa unang batch ang nakatakdang pagkalooban ng Palit-Basura Store na kinabibilangan ng mga sumusunod: Mariano Ponce National High School, Sulivan National Highschool, Virgen delas Flores High School, Sto.Niño Highschool, Teodoro Evangelista Highschool, Concepcion Elementary School, Tarcan Elementary School, Baliuag South Central School, Paitan Elementary School, Subic Elementary School at Sta.Barbara Elementary School. Ito ang kauna-unahang Palit Basura Store sa Paaralan ng Baliwag.
Kaugnay nito, ang palit-basura sa paraalan ay bahagi ng kampaya ng pamahalaan upang unti-unting panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Layunin din ng proyektong ito na maturuan ang mga kabataan kung paano pahalagaan at pakinabangan ang mga basura.
Ito ay inaasahang opisyal ng bubuksan sa huling linggo ng Pebrero.
Advertisements Nitong nakaraang Lunes, ika-9 ng Mayo ay naganap ang unang Flag Ceremony sa buwan ng Mayo na pinangunahan ng Pambayang Tanggapan ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (MSWD) sa pangunguna ng kanilang pinuno, Ms. Jo Lopez. Ang tema ay ang pagiging MAGILIW. ayon kay, Mr. Gerard Tolentino, Social Welfare Officer, dapat laging tandaan na ang […]
Advertisements Baliwag, Bulacan – Sa isang memoranda na ipinalabas ng Baliwag Archives and Records Office noong Sabado ng Gabi, Hulyo 21, 2019, ipinahayag ni Mayor Ferdie ang mga susunod na mga gawain para sa pagsasaayos ng ating basura. Ayon sa memoranda, magsisimula na ang monitoring ng segregation ng mga kabahayan ayon sa takdang klase ng […]
Advertisements Baliwag, Bulacan – Naghanda ang Department of Interior and Local Government at Baliwag Youth Affairs Office ng mga pagsasanay nang sa gayon ay masanay ito ng husto sa kanilang tungkulin bilang mga halal na opisyal at kinatawan ng mga kabataan. Ayon sa SK Reform Law, ang mga edad 15-30 ay maaring makaboto at bubuo […]